Victims of Military abductions surfaced due to Writ of Amparo
Full text of the writ of Amparo can be found here

Printed copies available, email rbahaguejr [at] gmail [dot] com

Wednesday, March 29, 2006

Hango sa sf-phil mailing list

Ang pagiging Newbie


... nde matatalo (kung ito man ang goal ng sf-phil, pero tingin ko hindi dapat) ang kompetensya ng paglalabas ng baho nya. mas maiging makitang unti-unti silang nawawala dahil ang karamihan ay gumagamit ng FOSS. at walang ibang paraan upang ito'y tumimo sa karamahan liban sa masikhay na pagpapakilala at pagpapaliwanag kung ano ang FOSS.

may bahagi ng mundo na mas maiging tumatakbo sa proprietary softwares at may bahagi naman mas maigi kung nsa FOSS. sino ang magtatakda? tingin ko dapat ang gagamit. kung mas magiging maigi sa kaniya na nasa proprietary software sige lang... at ito dapat ay maging hamon sa FOSS advocates upang makabig sila...

dagdag pa... ang kulang ngayon sa mga FOSS advocates ay ang pagkakabit ng advocacy itong sa malawak na kahilingan ng simpleng mamamayan para sa mga batayang karapatan... ano ang ugnay ng FOSS sa mga magsasakang pinapalayas ng mga panginoong may lupa o kaya'y ugnay ng FOSS sa laban ng mga kawani ng pamahalaan para sa dagdag na 3000 pesos sa buwanang sahod o kaya'y sa kahilingan ng mga manggagawa sa pribadong sektor para sa dagdag na P125 sa minimum wage...

masalimuot. at hindi ko alam kung dapat ngang pag-ugnayin ang mga nabanggit....

nagkataon lamang siguro.... na iba ang dahilan ko ng pag-aaral ng teknolohiya... bakit ko gusto ng FOSS... ? kasi nakikita ko itong pagtutol sa mas malawak na impluwensya ng dayuhang mga proprietary software.... bakit ako nag-aaral ng LAMP? upang makagawa ng mga aplikasyon para sa pagmonitor ng mga kalamidad dulot ng tao o kalikasan para magamit ng NGOs ( sahana.org ang isang pwedeng batayan. ngunit nung panahong naisip ko ito... at sinimulan namin... wala pa sila kahit repository ng existing codes..), upang makagawa ng aplikasyon sa pagmonitor ng mga Human rights violations, upang makagawa ng simpleng inventory system ng isang grassroots na botika... at iba pa... magagawa ko ba iyon sa proprietary software na walang gaanong gastos.... nde yata...

hehehe...

madrama na ako.... anyways, ang mungkahi ko lang sa mga kapwa sf-phil members... pag-isipan natin kung hanggang FOSS advocacy lang tayo....kapag ganun mas tukoy natin kung ano ang magiging ating mga gawain....



:-)

No comments: