Victims of Military abductions surfaced due to Writ of Amparo
Full text of the writ of Amparo can be found here

Printed copies available, email rbahaguejr [at] gmail [dot] com

Tuesday, March 20, 2007

The Limits of Democracy in the Philippines

Sa panahong ito, alam na ng buong mundo ang ginawang pagmamalupit ng kasalukuyang administrasyong Arroyo sa magiting na kinatawan ng Bayan Muna! Partylist na si G. Satur Ocampo.

Madaling araw kanina, ng sapilitang kunin at kaladkarin si Ka Satur papuntang Philippine National Police Hangar upang diumano'y sundin ang procedure ng pag-aresto sa isang nagkasala sa batas. Nais nilang dalhin si Ka Satur sa Leyte, kung saan ang Judge dito ay nagpalabas ng warrant of arrest hinggil sa kinalaman diumano ni Ka Satur sa pagpapapatay ng 15 katao noong 1985. Sa Leyte, demonyo na ang nais maging tingin ng AFP sa magiting na kinatawan. Pilit nilalason ng AFP at PNP at ANAD Partylist ang mamamayan dito upang magalit sila kay Ka Satur.

Umaga, mga alas-8 ng magpalabas sa media ng order ang Judge sa Leyte na hindi na kailangan pang dalhin si Ka Satur sa Leyte. Ngunit ang atat na atat na mga militarista sa pamamahalaang Arroyo ay pinalipad na ang pribadong eroplano ni Sec. Puno (sa Pilipinas, ang mga "public servants" ay may sariling mga eroplano) sakay ang kinatawan, ang kanyang asawa na si Prof. Malay at isa pang Kinatawan ng Bayan Muna! na si G. Teddy Casino. Marahil ninais at pinagdasal ng matindi ng Administrasyon na sumabog at bumagsak na lamang ang eroplano upang mawala na ang isa sa mga pinakamatuwid na kritiko nito.

Kahit pa alam ng may court order na, itinuloy nga ang pagpapalipad ng eroplano. At mga katanghalian, tila mga naalimpungatang bagong gising ang mga militarista, "ay may court order na pala..." kaya ibinalik muli sa maynila si Ka Satur.

Anupaman ang kanilang gawin, ang mga naglilingkod sa bayan ay hindi pinababayaan ng pagkakataon at realidad. Ang uring mapagsamantala at ang kanilang mga imbing kawatan ay laging nagkukumahog sa paliwanag. Pilit itinutuwid ang mga baluktot na kanilang ginawa. Ngunit ang pakikibaka ni Ka Satur at marami pang ibang nagbuwis ng buhay bunga ng Oplan Bantay Laya 1 at 2 ay nagpapatuloy at lalong nagiging malakas.... sapagkat ang mamamayan ay hindi bingi. Sila'y nakikinig at handang tumindig.

Free Ka Satur! Free Ka Bel!
Stop Political Killings in the Philippines

No comments: