Victims of Military abductions surfaced due to Writ of Amparo
Full text of the writ of Amparo can be found here

Printed copies available, email rbahaguejr [at] gmail [dot] com

Sunday, December 16, 2007

FOSS Seminar in University of Makati

Mahigit sa 100 mag-aaral ng University of Makati ang nakinig sa Introductory Seminar ng Computer Professionals' Union (CPU) tungkol sa Free and Open Source Software. Ang seminar ay bahagi nang naganap na isang linggong selebrasyon (Dec 10-14) ng College of Computer Science inorganisa ng Computer Society .

Nagsimula kame sa pagpapakilala ng CPU (karamihan sa mga impormasyon ay mababasa rin sa website). Ipinakita ng CPU ang ilan nitong mga proyekto lalo na ang karapatan-monitor. Layunin din ng seminar na makapanghikayat ng volunteers para sa nasabing free software project.

Ipinaliwanag sa mga dumalo ang Free software philosophy. Pinalalim ang diskusyon sa pagbabanggit ng pagtutol sa software patents at iba pang panukala ng WTO sa IPR.

Ang mga dumalo ay dinala sa isang demonstration ng mga software na kabilang sa core install ng Ubuntu Gnu/Linux. Ipinaliwanag ang kaibahan ng software na openoffice.org, gimp, firefox, wine sa mga proprietary counterparts ng mga ito.

Lalo silang namangha sa 3d desktop effects na hindi magagawa sa bagong OS ng Microsoft kung kapos ang hardware ng gagamit.

No comments: