Victims of Military abductions surfaced due to Writ of Amparo
Full text of the writ of Amparo can be found here

Printed copies available, email rbahaguejr [at] gmail [dot] com

Monday, April 17, 2006

MySQL and Family

personal na confession,

nagsimula akong matuto ng database gamit ang MySQL. MySQL 4.0 ang version na una kong kinalikot. paunti-unti natutunan ko ang mga sql statements. sa pasimula may mga sql queries na ginagawa ko sa php dahil hindi ko alam pwede pala iyon sa sql. habang nabubuo ang unang web app ko marami akong nadidiscover sa relational databases. Tuwang-tuwa pa rin ako sa store/retrieve/update/delete gamit ang MySQL. Hanggang ngayon gamit ko pa din ito sa mga maliliit at hindi kalakihang applications dahil sa maliit na footprint at mabilis na response. Nang matagpuan ko ang Yellowtip webserver na bundled ang Apache, Mysql at PHP mas lalo akong napalapit dito. sa hindi kalaunan, lumabas na rin ang xampp at lalong napadali ang development environment ko sa windows. aaminin ko, kahit debian user ako.... kapag development, ang mga tools na available sa windows ay hindi pa rin matatawaran. Magbabago lamang ito mga tatlong linggo ang nakalipas ng madiskubre ko ang maayos na LAMP mula pa rin apachefriends.org, kung saan tar xvzf lang ang kailangan upang mainstall ang buong dev environment.

Una akong naghanap ng alternatibo sa MySQL na naisin ko ang isang "select * from (select column from table2 where restriction) where restriction 2" sa MySQL 4.0 imposible ito at magiging himala naman ang bilis sa MySQL 4.1. Dito ko sineryoso ang PostgreSQL. Ngunit dahil mabilisan ang mga development at masalimuot pa ang pag-install sa windows ng PostgreSQL v7.x iniwanan ko ulit ito para sa MySQL. Sa release ng PostgreSQL version 8.x, marami akong nadiscover. At unti-unti nilalamon nito ang aking paghanga. Kaya naman ito na ang nagiging main database backend ko. Madali na mag-install sa windows at ipanag-iisipan ko ring gawin ang LAPP na ala apachefriends release. Mas masaya kapag ganun...

sa pagkakabili ng oracle sa innodb, may ilang concern sa mysql at sa recent post sa slashdot (http://it.slashdot.org/it/06/04/16/2240233.shtml) hindi ko mapigil ang isulat ang mga nasa itaas. " So mysql will now have solid storage? Finally! Oh wait, it's " Solid Information Technology". Never mind..." Ang mga ganitong reaksyon ay hindi gaanong nakakatulong. Dapat ang iniisip ng developer ay paghahanap ng angkop ng tools at platform. kung hindi makakaya ni MySQL bakit iyon ang gagamitin mo, tapos titirahin mo si MySQL na mahina.... haay...

may kanya-kanyang kalakasan ang mga db ng foss. kailangan lang ang maayos na paggamit. Salamat pa rin sa MySQL at PostgreSQL at sa iba pang foss db otherwise oracle at db2 lang ang maririnig natin.

rick.

No comments: