Isang buwan na ang nakakaraan ng una kong mapanood ang TV series ng CBS na Numb3rs. Una, naintriga lamang ako sa sinasabi ni Doc na TV series tungkol sa mga Mathematician at isang nakikisabit na Physicist.
Ngayon, tatlong seasons na ang napapanood ko.
Ano ang maaaring makuhang tulong mula sa TV series na ito? Pamilyar tayo sa CSI at iba pang TV series na nagbabaybay ng buhay ng mga pulis, detectives, forensic analysts, atbpa. Ngunit ang sundan ang buhay ng mga Mathematician at iba pang theoretical scientists ay tila nakakabagot dahil sa kadalasang walang kulay ng kanilang buhay, liban sa mga numero na sila-sila lang ang nakaka-intindi. Ngunit sa serye ng Numb3rs, naipakita kung paanong maaaring maipaliwanag at maipakilala ang MATH at Physics sa simpleng paraan.
Sa ngayon, ang AGHAM ay mayroong proyektong tinatawag na Peoples' Science School. Ang teleseryeng Numb3rs ay magandang paghanguan ng mga video clips para maging instruction materials..
Ref:
Printed copies available, email rbahaguejr [at] gmail [dot] com |
Tuesday, March 06, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment