baka nag-aral ng Quantum Mechanics ung judges or my adviser si AFP na Physicist.
Ang Quantum Mechanics ay branch ng Physics na pinag-aaralan ang mga atoms at maliit pa rito. Dito namamayani ang probabilities at uncertainties...
isa sa basic principle nito ay:
1. na ang isang particle ay equal ang probabilities na matagpuan sa lahat ng lugar hanggat ito ay hindi tinitingnan o sinusukat (measure) ng observer. Sa pagkakataong sinukat ito, ang kanyang characteristics ng pagkilos (wave function) ay gumuguho (collapse) sa isang value na allowed ng observable (maaring position o momentum).
sa kaso ng nangyari kay Ka Satur, maaaring ginamit nila ito. kaya't maaaring nakita nga ng witness sa lugar (position ang observable) ang particle (Satur).
Ang problema, si Satur at ang location ay mga malalaking particles kayat susunod na sila sa classical physics (ang common sense na alam natin) bilang mga classical observables...
ang susunod nilang sagot if makulong na si Satur, at base pa rin sa Quantum Mechanics, sa tanong na buhay ba o patay na sya: "si satur ay parehong buhay at patay dahil hindi pa namin sinusukat kung patay nga sya o buhay "
op kors, sintu-sinto lang ang maniniwala sa lohika nila... at sisirain pa nila ang principles ng Quantum Mechanics...
:-0
Printed copies available, email rbahaguejr [at] gmail [dot] com |
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment