Victims of Military abductions surfaced due to Writ of Amparo
Full text of the writ of Amparo can be found here

Printed copies available, email rbahaguejr [at] gmail [dot] com

Monday, October 29, 2007

Huling Paalam (by Joseph Ejercito Estrada)

Kung sakaling tuluyang nakulong si Erap, ito day ang tulang kanyan iniwan sa mga bantay ng kulungan upang basahin sa wowowee sa kanyang conviction.
HULING PAALAM
Ni Joseph "Jose Velarde" Estrada

Adios bayang aking pinagnakawan,
Paalam bayang binusabos ng aking mga kaibigan.
Mutyang dinusta't hinalay ni Atong Ang.
Aalis akong batbat ng puna't kahihiyang
Isinabit ni Chavit, alang kwentang tsokaran!

Sa malawak na lansangan mula Edsa't Mendiola,
Sambayanang galit ay
nag-aalsa na,
Sumisigaw silang ako'y mag-resign na
At kung magmamaugas ako'y sisipain nila
Sa kangkungan pupuluting tila mabahong basura.

Ako'y namamaalam upang dilira ay mapawi,
Sa bayang ito na sobra nang sawi.
Baka sakaling ekonomya'y makabawi
Kapag nawala na mga barkada't kroni,
At mga kalaguyong kagaya ni Laarni.

Simula't sapul ako'y may simpleng pangarap
Kuwarta't babae, mga mansion ako'y makakalap
Kaya naman lubos-lubos aking pagsisikap.
Walang inatupag kundi ang pangongotong,
Sa huweteng at two-ball, Abu Sayaff at kuratong.

Kaya nang nahalal na maging pangulo,
Tinipon ang barkada, kakosa't kalaguyo
Tuwing hatinggabi sa pag-uuntugang baso
Tampok sa usapan paano mapagkwartahan
Buwis sa tabako, negosyo at pasugalan.

Ngunit lintik ka Chavit, bakit mo ako isinabit-?
Himutok ng dibdib lalong naging masakit
Nang nabistong si Atong pala ay nangupit.
Programa ko sa pabahay tuloy ay nabisto
Di sa mahihirap, kundi sa mga kabit ko.

Pa-impeach-impeach pa kayo, 'nong akala n'yo?
Sa senado kaya kayo ay mananalo?
Sa impeachment trial di kayo nakasisiguro
Gaano man kabigat ng saksi ng prosekyusyon
Alang kwenta lahat pagdating ng resolusyon.

Labing-isang senador nasa aking panig!
Kung gusto'y pangalanan ko pa aking mga kabig:
Si John at Tessie na lisa ang bibig,
Tig-sangmilyong balato, ayos na ang buto-buto
Alang kaduda-duda kung kangino sila boboto.

Naririyan si Miriam, aking pambato,
Hindi umuurong kahit na kangino, '
Huwag lang sindakin ng biglaang demo.
Si Manong Johnny Enrile at bataang Honasan
Mga kakamping lagi kong maaasahan.

Si Niki Coseteng na umalis kunwari,
Tulad ni Tatad na sa partido koy bumatsi
Ngunit yan ay bahagi lamang ng panlalansi
Sina Kit at Niki tiyak sa akin papanig
Sa katotohanan ay hindi sila makikinig.

Kay Tito Soto ay tiyak-tiyak na ako,
Kay Ka Blas ay hindi rin ako kabado,
Kay Ramon Revilla, itaga n'yo na sa bato.
Si Jawo ang dapat na bantayan ng kalaban.
Kapag nag-three point shot, tapos na ang laban.

Yang impeachment ay para ring sugalan,
Numero lamang ang pinaglalabanan.
At sa numero't sugal kami ay namber wan,
Tiyak na tiyak ako sa aking labing-isa,
Kahit na anupamang gawing balasa.

Ngunit ang aking lubos na ikinakaba
Ay ang lansangang dumadamba.
Protesta ng sambayanan patuloy na rumaragasa
Sigaw ng mamamayan dapat ay mag-resign na,
Patatalsikin kapag di kusang bumaba.

Nasaan na kayo mga dati kong kasangga?
Ano't iniwan akong nagdurusa?
Atong Ang, nasaan ka hayop ka?
Pareng FPJ, parang awa mo na,
Saklolo Danding, Tan, Maceda, Imelda at iba pa.

Kaya bago abutan ng bayang nagngangalit
Baka sakaling pupuwede pang makapuslit.
Paalam masang aking pinagtaksilan,
Paalam sa bayang pinangakuan ko ng
kasaganaan,
Bakit kasi kayo naniwala sa aking islogan?

Paalam na rin sa iyo Loi, aking namber wan
Alam ko namang tiyak na ako'y iyong iiwan.
Jinggoy, Jude, JV, mga anak sa loob at labas,
magpaalam na rin kayo.
mga kroni, kakosa, kainuman, kasugalan,
kalaguyo
Pare-pareho na tayohg pupulutin sa kangkungan!

No comments: