SICKO at ang pagkakatulad ng health care system natin at ng Amerika.
Kinokopya ng bawat administrasyong naupo sa ating bansa ang halos bawat batas na ipinapasa ng Amerika sa kanilang bansa. Human Security Act ang bersyon natin sa Patriot Act nila. Mga batas sa deregulasyon at liberalisasyon sa maraming mga public utilities. Dapat ay hawak ng gobyerno ngunit ngayo'y monopolyo ng mga pribadong kompanya. Kung hindi tayo kakampi ng gobyerno sa terror war nya, tayo ay kanyang kalaban at malamang terorista, ang isinaling bersyon ni Gloria Arroyo ng pagbabanta ni Bush sa mga unang taon ng agresyon sa Iraq.
Dahil first world country ang Amerika at maraming nais mapunta sa bahagi na ito ng mundo, malayo ang abante nito sa bansang katulad ng Pilipinas. Isa na rito ang kalagayan ng kanilang health care system. Maunlad ang kagamitan at kaalaman ng mga institusyon ng health care sa Amerika. Sa kabilang banda nito, 50 million sa kanila ang walang health insurance. Mas marami pa rito ang walang insurance sa Pilipinas. Ang Philhealh ay naipapamigay lamang sa malawak na populasyon sa kanayunan sa panahon ng eleksyon. 250 million naman sa mamamayang amerikano ang may health insurance. Sa bansa naman, ang 17.5M wage and salaray workers ay hindi pa siguradong lahat ay may health insurance. Marami na ang 17 porsyento ng mamamayan ang may health insurance sa bansa.
Sa dokumentaryons, Sicko inilahad ni Michael Moore ang bulok na health insurance system ng Amerika at inihambing ito sa free/socialized/universal health care ng Britain, France at Cuba. Pangunahing pinatatakbo na ang health care system nila ng malalaking Health Maintainance Organization ang lalo na access dito ng mamamayang Amerikano. Dahil sa kagustuhang kumita ng malaki hanggat maaari hindi ninanais ng mga HMO na ito na talagang maipagamot ang kanilang mga policyholders. Matingkad din na lumabas ang bentahe ng health care systems sa tatlong bansang nabanggit.
Maganda pa rin talagang modelo ang preventive medicine ng Cuba.
Sa France, ang mga bagong nanganak na nanay ay tinutulungan ng gobyerno makapaglaba sa pagpapadala ng "laundry aide".
Sa dulo ng dokumentaryo, may iniwang tanong ang anak ni Che Guevarra, "Why are we able to and you are not? ... because the more a country produces, the richer it is, the better it should take care of its people."
Printed copies available, email rbahaguejr [at] gmail [dot] com |
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment