Victims of Military abductions surfaced due to Writ of Amparo
Full text of the writ of Amparo can be found here

Printed copies available, email rbahaguejr [at] gmail [dot] com

Tuesday, June 12, 2007

Video Con Requirements

Video Conferencing Requirements

Ang video conference o videocon ay paraan ng pagpapadala ng two-way video at audio sa isa o higit pang lokasyon. Ito ay isang paraan upang pagsama-samahin ang magkakahiwalay na mga indibidwal sa iisang pulong.

Ang videocon ay dati ng ginagawa ng mga television channels at iba pa gamit ang mahahabang mga cables upang pagkabitin ang magkakahiwa-hiwalay na lokasyon. Ang hindi maikabit gamit ang cables ay ginagamitan naman ng radio signals.

Sa pag-unlad internet, ang magastos na teknolohiya ng videocon ay maaari ng magawa ng mga simpleng mga kompyuter. Ito ay mangangailangan ng tamang bandwidth ng internet connections at softwares. Ang sumusunod ay isang pagtatangka upang maisulat ang mga partikular na pangangailangan upang makapagsagawa ng videocon.

Nahahati sa bahagi ang nilalaman ng dokumentong ito. (1) Hardwares; (2) Network Connection; (3) Softwares.

1. Hardwares na kailangan:

Ang videocon ay gumagamit ng mga compression at decompression algorithms upang paliitin sa pamamagitan ng pagsiksik ng video at audio at pag-decompress naman nito upang mapanood at marinig. Magkasabay itong nangyayari sa mga nasa videocon. Ang compression ay kailangan upang paliitin ang audio at video na ipapadala sa kabilang panig gamit ang internet. Ang decompression naman ay ginagamit upang mapanood at marinig ng pinadalhan ang na-compress na audio at video.

Ang compression at decompression ay nangangailangan ng malaking computing power upang maisagawa ng mabilis. Ang mabagal na compression at decompression ay magreresulta sa mabagal na palitan ang audio at video na magkabilang panig.

1. Sa minimum, kailangan ang mga sumusunod na hardwares:

a. Desktop/Laptop Computer -

Pentium 4 ng Intel o Sempron/Athlon ng AMD
1 Ghz pataas na clock speed
512 pataas na memory (mas maraming kasali sa videocon, mas malaking memory din ang kailangan)
USB Ports para sa web camera
Speaker jack para sa external speaker
Microphone jack para sa microphone
(ang speaker at microphone ay kadalasang nasa desktop o laptop na. Ang mga sound cards ay mayroon na nito)

b. Web Camera (webcam)

Maraming brand ng webcam. Pumili ng USB ang ginagamit upang makakabit sa desktop o laptop

c. Network cables

Magandang nakakabit sa network gamit pa rin ang tradisyunal ng mga network cable. Ito pa rin ang pinakamaasahang pisikal na paraan ng koneksyon. Ang mga wifi networks ay maari din gamitin. Ngunit ang natural na disenyo ng teknolohiya ng wifi ay nagdudulot ng hindi stable na connection dahil sa interference.


2. Sa minimum, kailangan ang mga sumusunod na softwares:


Maraming mga built-in na softwares para sa iba't ibang operating systems. Nariyan ang iChat ng Macintosh, Netmeeting ng Windows at Gnomeeting sa GNU/Linux. Liban sa mga ito, marami na ring mga softwares ang lumabas na gumagamit ng iba't ibang feature ng teknolohiya ng networking.

a. Yahoo! - ang Yahoo! ay may nagbibigay ng opsyon upang mapanood ang video at marinig ang audio ng bawat participants. Kapag nakita na yahoo messenger na may webcam na nakakabit, binibigay nya ang opsyon upang makapagpadala ng video at audio naman sa pagkabit ng microphone.

b. Skype - isa sa mayroong magandang compression at decompression ang skype. Marami rin itong plug-ins (hal. feeston para sa multi-videocon).

3. Sa minimum, kailangan ang mga sumusunod na internet connection:

Ang kailangang tandaan sa pag-setup ng videocon ay ang pagiging matakaw nito sa internet bandwidth. Mas malaking bandwidth, mas magiging mabilis ang palitang ng audio at video ng magkabilang panig.

Ang 384 kbps ay makakapagbigay na ng magandang audio at video gamit ang Yahoo! Messenger at Skype para sa dalawang participants sa videocon. Kailangang consistent ang connection nito. Hindi intermittent. Kailangang mai-set muna sa pinakamababang quality ang video at unti-unting i-adjust ito batay sa bilis ng internet connection. Anumang bandwidth na bababa pa sa 384 kbps ay mangangailangan ng pag-adjust ng quality na audio at video sa magkabilang panig.

Ang mas marami sa dalawang video con ay mangangailang ng dagdag na bandwith na hindi bababa sa 64kbps sa panig ng nagsimula ng video con. Ang mga participants naman ay mangangailangan ng malaking bandwith upang mapanood nya ang lahat ng participants. Ngunit maari namand audio lamang ang kanyang pakinggan kung kapos sa bandwidth.

Pinakamaaasahan sa internet connections ang mga wired na broadband connections tulad ng dsl subsriptions. Mas stable ang copper-wire network sa ngayon kung ihahambing sa mobile connections tulad ng 3G gamit ang mga cellular phone o kaya'y wireless connections gamit ang radio signals.

No comments: