Malamang narinig na ninyo ang gOS. Una itong inakala na google OS dahil sa suporta sa mga online applications ng google tulad ng Google Docs, blogger, maps at iba pa. Lumikha din ito ng balita dahil sa pagkaka-install nito sa murang Everex PC ng binenta sa Walmart sa US sa halagang $200 (mga P9,000).
Ang gOS ay derivative din ng Ubuntu. Sa ngayon, karamihan sa mga linux distribution ay nakabase na sa Ubuntu. Ang hindi lang gaanong sinasabi ng Ubuntu, ang Ubuntu mismo ay base sa Debian GNU/Linux. Lahat sila ay nakikinabang sa maayos ng Debian distribution.
Matapos ang isang araw na download sa torrent, nasa ibaba ang ilang screenshots gamit ang vmware.
Ang gOS ay gumagamit ng enlightenment window manager. Mas magaan ito kung ihahambing sa gnome ng Ubuntu. Ang mga applications ay hindi rin naiiba sa Ubuntu. Liban sa emphasis sa mga online applications.
Ang larawan sa itaas ay katulad ng installation ng Ubuntu. Papipiliin din ang gumagamit mula sa ilang options. Kung siguradong walang problema sa video card, maaaring gamitin ang default na option tulad ng nasa larawan.
Ang berdeng background ay maghahanda ng pag-boot ng gOS.
Malinis na desktop ang makikita sa pagboot ng gOS. Nasa ibaba, gamit ang tila idock ng Mac, ang avant-window-manager, ang mga madalas gamiting applications. Karamihan sa mga ito ang mga online applications. Ngunit huwag madismaya. Ang mga usual ang desktop applications ay matatagpuan pa rin sa gOS. Mag-right click o left click upang lumabas ang menu. O kaya pindutin ang G sa itaas upang lumabas ang menu tulad ng nasa Ubuntu.
Maaring dagdagan ang mga gadgets sa itaas. Maililipat din ang mga gadgets gamit ang shelf configuration.
Matapos mainstall ang una kung tiningnan sa Administration ay kung maaaring magamit ang Ubuntu repositories. Sa synaptic makikitang naka-configure nga ito upang maggamit ang maraming software sa Ubuntu univers, main, etc.
Matapos ang gamitin makikita ang magandang shutdown sequence.
Gamit ang gOS, maaaring makatulong ito upang buhayin ang mga Pentium III na laptop at desktop. Kailangan pa masubukan kung kakayanin ito ng mga Pentium II. Ganundin sa mga computers na may mababang memory. Sa karanasan, ang Ubuntu ay nakakatuwa lamang kapag 512MB at bago ang processors. Kung mag-iinstall sa mga newbies baka mabagot lamang sila. Ngayon maaaring gamitin na ang gOS sa mga ganitong pagkakataon.
Printed copies available, email rbahaguejr [at] gmail [dot] com |
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment