Mahigit 30 katao na ang mga gawain ay sa simbahan ang nakilahok sa unang Ubuntu GNU/Linux installfest sa isang paaralan sa metro manila na isinagawa ng Computer Professionals' Union noong Enero 30.
Mga obserbasyon:
1. Iba-ibang specification ng laptop at desktop ang bumulaga sa amin.
2. Halos kalahati ng mga makina ay mababa sa 256 ang memory at lumang mga processors ang nakalagay
3. Iilan lamang sa mga kalahok ang may karanasan mag-install ng operating system.
Paraan ng installfest:
1. Introduksyon sa FOSS at Ubuntu GNU/Linux
2. Pagkakaiba ng Ubuntu GNU/Linux sa proprietary operating system
3. Aktwal ng install fest.
4. Pagkalikot sa bagong install na Ubuntu GNU/Linux desktop
Ilang mga aral mula sa buong araw na installfest.
1. Mahalaga maipaliwanag ang FOSS upang mas yakapin ng audience ang halaga ng pagpapalit ng OS. Dito nakikita nila na hindi lamang teknikal ang hinahabol. Nalalaman nila na may pulitika ring kakabit ang FOSS. Nalalaman nila ang mga isyu ng patents, copyrights at monopolies sa software na hindi kaiba sa maraming monopolyo sa ngayon.
2. Maghanda ng LCD projector. Gumamit ng VMware o anumang virtualization software upang maipakita ang pag-install. Kailangang sabay-sabay na sinusundan ng mga kalahok. Ang mga exceptional na hardware ay balikan na lamang o kaya ay tutukan ng mga assistants.
3. Matapos ang installation, ipakita ang mga software na kasama ng Ubuntu GNU/Linux. I-demo ang kakayahan ng openoffice, gimp, mozilla-browser, rhythmbox at gnome-player.
4. Ipakita kung paano mag-update at mag-install gamit ang synaptic package manager..
5. huwag kalimutan na mula ang Ubuntu sa Debian. Ito ang pinakamagandang demonstrasyon ng free software.
Sa larawan sa ibaba, ilang ubuntu installation ang inyong nakikita? :-)
Printed copies available, email rbahaguejr [at] gmail [dot] com |
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment