Victims of Military abductions surfaced due to Writ of Amparo
Full text of the writ of Amparo can be found here

Printed copies available, email rbahaguejr [at] gmail [dot] com

Thursday, February 07, 2008

Jun Lozada: Abalos wants to get $130M commission from NBN project

Umaga. Mga 4.30am. Sumabog muli ang NBN-ZTE scandal sa mga tinuran ni Rodulfo Noel Lozada.

1. Nagsilbing consultant ni Neri para sa NBN-ZTE deal. Sinikap nyang pagsamahin ang interes ni Abalos at de Venecia.

2. Ang kanyang proposal ay BOT para sa proyekto. Si Joey de Venecia ang pangunahin may hawak ng proyekto (after all proposal nya iyon) at si Abalos ang magiging main supplier ni Joey.

3. Gusto talagang protektahan ni Abalos ang kanyang $130 Million commission. Naging problema ito ni Joey. Dito dumiskarte na ng sarili si Abalos. Pumasok na ang ZTE. Uutangin na lamang ang proyekto.

4. Kakampi ni Abalos si First Gentleman. Ito ang backer ni Abalos.

5. Binantaan na ni Abalos si Jun na nanganganib ang buhay nya. "Huwag ka magpapakita sa akin sa Wack-wack o Mandaluyong. Ipapatay kita," ang banta ni Abalos.

6. Sinabihan sya ni Neri, "moderate their greed..."

Ano ngayon ang ibig sabihin nito:

1. Ninais talaga ni Abalos, FG, at GMA ang proyekto para sa mga kickbacks.

Ang kanyang pagkawala ng ilang araw matapos lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ay pagtatangka ni GMA na itago ang katotohan. Maraming affidavit raw syang pinirmahan at sa kagustuhang makalaya pinirmahan nya ang mga ito. Noon pa lamang siya inihatid sa La Salle.

Humingi sya ng paumanhin sa pagpirma sa mga affidavits na hindi na gaanong binabasa mga ito. Nais nya lamang makalaya na. Maiintindihan ito ng mamamayan.

Sa presscon nasabi nya na ang mga importanteng detalye.

Sa dulo ng presscon wika nya, "Ang Pilipino ay hindi lamang tumutukoy sa isang pamilya. Ito'y tumutukoy sa isang bansa.... Sana matuto na tayo." Tumulo na ang luha habang nagsasalita. Malamang halo-halong takot at pag-aalala para sa kanyang kaligtasan at pamilya.

Dahil malamang sa tigas ng ulo ni Abalos para sa commission, lumobo ang proyekto sa $329M mula sa $262M.

No comments: