Alam nyo na malamang ang nangyari sa mga kapatid natin sa Panay Island at iba pang bahagi ng Visayas.
Sa isang blog entry ng Citizen’s Disaster Response Center ganito ang kanilang paglalarawan sa pinsala,
“…The typhoon left at least 229 people killed and over 700 others missing in 12 regions. At least 764,380 people or 150,241 families were affected by floods, storm surge, and landslides in 1,533 barangays, 152 municipalities, 26 cities, and 28 provinces….”
Ang CDRC ay madalas ko ring mapuntahan dahil sa Disaster Monitoring Database na kasalukuyan nilang ginagamit na nagiging reference din ng National Disaster Coordinating Center kung kinukulang sila ng data.
Dahil birthday ko ang mga sumusunod ang magandang gift:
Used clothings (huwag isama ang inyong lumang gown or bathing suits)
Mats, mosquito nets, at iba pang gamit pambahay (huwag na ang insect repellant)
Food (de lata, dry dapat)
Kaya ngayong weekend, halukayin nyo muna mga hindi na ginagamit na mga nabanggit at mangyaring kontakin ang sinuman sa naka-post na announcement sa www.agham.org. Maari din kayo dumerecho sa CDRC, nasa http://cdrc1984.multiply.com/journal ang complete address nila. Maari din ninyo akong kontakin sa 09178840096 o kaya sa rbahaguejr at gmail dot com
Kung meron naman kayong credit card or gusto nyong mag-donate gamit ang paraan na ito, gamitin ang donate button sa sidebar ng blog. Ililista ko ang sinumang magbibigay doon sa blog entry sa July 14.
Rick
No comments:
Post a Comment